Prinsesa
Par Pop Girls · Auteur : Pop Girls
Original : →Traduction :
Traduction par panzas
Paroles originales

di madaling maging babae
pero taas noo kung maglakad
maselan daw at maarte
halaga ko ‘di raw nakabase
suotin mo aking sapatos
makikita mong ‘di ito biro
sobrang hirap bumalanse
dapat mahinhin at swabe

tayo at pantay-pantay
bandera’y iwagayway
itaas ang kamay
sumigaw ng sabay-sabay

ako ay prinsesa
sa kaharian ako ang bida
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan
ako ay prinsesa
pagmasdan ang aking korona
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan

porma’y magara
tindig ay elegante
hilahin man kami ng pababa
kami’y babangon nakatingala
kung kaya mo kaya ko rin gawin
lahat ay kakayanin
sapagkat kami ay babae
maganda at madiskarte

tayo at pantay-pantay
bandera’y iwagayway
itaas ang kamay
sumigaw ng sabay-sabay

ako ay prinsesa
sa kaharian ako ang bida
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan
ako ay prinsesa
pagmasdan ang aking korona
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan

iniisip mo pa lang
ginagawa ko na
ayokong daanin sa salita
astig kung kilos at gawa

ako ay prinsesa
sa kaharian ako ang bida
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan
ako ay prinsesa
sa kaharian ako ang bida
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan
ako ay prinsesa
pagmasdan ang aking korona
walang-wala na ‘kong dapat patunayan
kayang-kaya kong makipagsabayan

Commentaires (0)
Connectez-vous pour commenter.